You are viewing [info]neocatastrophic's journal

neocatastrophic
20 March 2009 @ 12:41 am
March 14-15, 2009

Niyaya kami, ang banda kong 1104,  ng La Salle Lipa na tumugtog para sa kanilang prom. Nung una ayaw ko e... hahahaa!

Sobrang daming kanta ang pinag aralan namin dahil dapat umabot 2 oras ang tugtog namin. E dahil meron na nga kaming Paul Balaoing, pwede na kami mag RnB tulad ng "Closer" ni Neyo. Taenang kanta yun... Hindi talaga ako nakikinig ng mga ganun pero okay na rin. WAHAHAHA! Dahil hindi bagay o mahirap sa violin yung ibang kanta, nag peperc ako. Inaalog ko yung itlog at nag tatambourine din. Para mas makulay yung tunog. Haha!

Grabe si Jar! May lagnat pa rin e paalis na kami! Humirit na ng, "Sige kayo na lang.. *ubo-ubo* Di ako pinayagan ng nanay ko." Pero nung malapit na kami umalis.. Himala! Nawala lagnat! WAHAHAHA! "Sayang talent fee e. WAHAHAHA!!"

Ang gwapo ng pangalan ng driver namin.... BONITO!!! Woooh! Haha! Ang bait niya sobra. Kahit na minumura niya yung mga ibang kotse na gago mag drive. Hindi siya yung tipo ng driver na tahimik lang. Makwento rin siya.

Buong biyahe namin ay tumatawa ako mag isa. Nanunuod kasi ako ng Borat sa ipod ni Paul. Sorry na pero dun ko lang siya napanuod. HAHAHA!

Pagdating ng Lipa, ang sarap tumayo! Normal na ulit ang daloy ng dugo sa pwet ko! WAHAHAHAA! Nakilala namin si Br. Richie. Tapos dinala kami sa aming malaking kwarto. Siyempre bininyagan namin agad yung mga kama. >:) wahahahaaha!

Nagkwentuhan kami konti tapos nag ayos na ng mga piyesa. Tapos nung naayos na yung mga piyesa, nag practice na kami. Sa bilis ng oras, malapit na kami tumugtog! Edi ligo agad tapos bihis. Tapos kain.... Balik sa kwarto.. Hintay konti.... Tapos game na!!!!

Pagdating namin dun, ang wild na nila!!!! Dumudugz-dugz na sila e! Tapos biglang upo at tutugtog na kami. Sabi ko kay Jar, "Parang patalo tayo ah." HAHAHAA! Pumapalakpak naman sila pero nakaupo lang yung iba sa kanilang mga upuan. Nung mag slow music na kami, ayun! Niyaya ni Dino na sayawan ng mga lalaki yung kanilang errmmm.. Tumayo naman yung mga uto-uto! JOKE! PEACE! HAHAHA! Nakakatuwa at sumayaw sila sa gitna. Inaabangan ko yung titigan, yakapan, at halikan.. >:) Matapos ang isang oras na pagtugotg, balik kami sa kwarto..... Pahingaaaaaaaaaa.......

Sa sobrang pagod ko, nanuod ulit ako sa ipod ni Paul ng HOUSE. Tapos ilang saglit... Tulog... hahaha! Tapos nagising ako dahil nag jajamming sila. Inggit ako. Baka daw kakantahin na yung Kahit Kailan ng Southborders. Tapos nakapa ko yung solo part ng Sax. Ayun game na yung kantang yun! Bahala na kung ano mangyari! Tapos nag dagdag pa ng ibang songs. Galing! haha!

1am na! Ayos ng damit at buhok! 2nd set na! Pagbalik namin dun, sumasayaw na naman sila! May grupo ng mga babae na nagpapabati pag tutugtog na kami. Aba! May pabati pa kami! Asenso! hahahaha! Tapos balik na naman sila sa kanilang mga upuan... Tapos bigla tinawag yung "1104"!!! Potek takbo kami ng stage! Parang pasikat lang amp! hahaha! Edi tugtog ulit...

Grabe! Ang saya ng 2nd set! Kasi sumasayaw na sila lahat sa gitna! May isang kanta kami, Seasons of Love. Akala ni Dino hindi bebenta... Pero hindi! Sobrang bumenta sa kanila! Gumawa pa sila ng isang malaking bilog at nakikisigaw ng, "SEASONS OF LOOOOOOOVE!!!" Theme song pala ng isang section yun. Basta ang saya makita na nagsasaya sila sa gitna habang tumutugtog kami.

4am natapos ang kanilang prom. Napagod kami sobra pero nagkayayaan pa uminom. Di pa nauubos yung bote, umayaw na sila Migz, Jar, Raffy, at Dino. Nag 1 on 1 muna kami ni Paul. Sayang lang hindi ko siya nalasing dahil suko na rin ako. Sobrang babagsak na mata ko. Hahaha! Natulog kami ng 5am.

8am nagising ako. Tapos naligo agad at lumabas para mag shoot! Tagal ko na hindi nakakapag shoot ng mga landscapes. Pandagdag ko na rin sa aking collections. hehe!

Pagkatapos namin mag breakfast, niyaya kami ni Br. Richie at Br. Arian na mag lunch sa lugar nila. Astig! Pinatikim nila sa amin ang crispy pata at ang masarap na SISIG ng LIPA. Di ko na ilalabas yung mga napagusapan namin dun. Pero astig na Brothers sila. HAHAHA!

Dahil sumosobrang haba na to... Titigil na ako. Sobrang natuwa talaga ako sa tugtog na yun. At natuwa rin naman sila sa amin. Kayaaa..... Sana maulit muli. hahaha!

 
 
neocatastrophic
07 March 2009 @ 07:07 pm
Isang linggo na naman ako hindi umuwi ng bahay namin. Kumuha kasi ng condo ang tita sa tapat lang ng DLSU. Dun kami natutulog ni Kim. Pero umalis na ulit siya ng pinas kaya hindi na kami dun matutulog ulit.

Gusto ko sana makatapos miski isang plate kagabi pero hindi na talaga kaya ng katawan ko kaya natulog na lang ako. Sobrang gusto ko sana bumawi ng tulog. 7:55am, kanina lang, biglang tumunog ang napaka lupit kong alarm clock!!! "Prrroooooooooooooooooooot!" Ang haba!!!! Potaena mo Coby! Inututan ba naman ako! Baliktaran pa naman ang higa namin! Okay... Na-miss niya lang sigurong katabi ako. Hahahahahaha!

Dahil hindi na ako makatulog, magtatrabaho na ako.

 
 
neocatastrophic
21 February 2009 @ 12:23 am
Nasa 3danim2 class ako ngayon at natapos namin ng mga katabi ko ang plate last week. Buti na lang at wala nang pinapagawa sa aming mga masisipag na estudyante. WAHAHAHAA! Bali pinapatapos na lang ng prof yung mga hindi nakatapos last week.

Naisipan ko lang mag blog dahil naiinggit ako sa mga nagboblog. Tagal ko na rin kasi hindi nakapag blog. Kaya eto... Sana ma gets niyo ang mga ikukwento ko.


FOREVER YOURS
Grabe bonggang MINOR Concert to! Hindi ko akalain na magiging ganun ang set ng amphitheater. Nandun lang naman ako para tumugtog e. Joke! HAHAHA! Galing ni master Dino! Galing ng Innersoul at Chamber! Sana maging mas maganda pa yung sa major concert sa March 27! Nuod po kayo! Hehehehe!

Sayang lang hindi natuloy yung totoong binabalak ko after ng concert. WAHAHAHA! Pero okay na rin yung nangyari! Masaya! "Lakas ng loob!" Taena mo Paul Balaoing! Starbucks ko! WAHAHHAA! Basta umakyat ako ng stage pagkatapos ng concert at tinawag si Annielle. Tapos pagdating niya, tinugtugan siya ng "happy birthday" ng chamber. wahahhaa!

PAPA sa kay Mama: "Akala ko kakanta e, upakan ko yan!" =))

Basta masaya na ako sa nangyari! =))

HARANA!!
Poteana mong harana ka! Ikaw nag bigay sakit sa aking ulo, tiyan, mga braso at paa! Kinamumuhian kitang lintek ka! Pero alang-alang sa Chamber at sa project head na si Paul Bansil, pinagtiyagaan kita! WHAHAHAHAHA! Isang linggo kasi kami nag harana sa iba't-ibang lugar ng DLSU. LS tapos punta sa Miguel, SJ, Miguel, LS, LS, blah blah blah.... Paminsan gusto ko na lang tumakas pero walang tutugtog.

Pero may mga masasayang nangyari naman nung harana. Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung sa LS building. Nasa unang palapag kami at hinihintay namin papasukin kami ng prof. E may nag rereport...

PAUL: "Baka pwede unahin na lang muna natin yung ibang class?"
JEROME: "Oo! Matatapos na kasi o!"

Nag text ako kay Annielle, "Anong room mo? Baka mamaya tamaan class mo."
Hindi nag reply si Annielle.... busy ata....

Punta kami sa isa pang harana. 3rd floor ng LS. Naiwan muna si Paul para bantayan mga gamit namin sa baba. POTEK! Naririnig ko ang malakas na boses ni SAM!

ako: "TAENA!"
Gigs: "Bakit?"
ako: "Class ni Annielle 'to e!"

E wala naman ako magagawa... Pasok.. Ngumiti ako sa mga tao at sa haharanahin, at hinanda ang tugtuging piyesa na hiniling ng kliyente. Hahaha!

Sa mga ganitong klase ng tugtugan, dapat iniisip ang mga ganitong bagay:

1) nagmamadali ba ang prof / mga estudyante?
2) mabagal ba ang piyesa?
3) mahaba ba ang piyesa?
4) TINUTUGTOG PA BA NG MAAYOS ANG PIYESA? =))

Kaya lagi ko sinasabi sa kanila na tumingin lagi sa akin kasi pwedeng i-cut ko na lang bigla ang piyesa. Kaya kami nila JAR, GIGS, at David ay nagtinginan.... At nagsimulang tugtugin ang piyesa.. la lal al al allala lalalala lalal! =))

Edi siyempre kinakausap ko na ang sarili ko habang tumutugtog...

ako: "Hmm... Masyadong mahaba pag mag repeat pa ulit kami.. San kaya pwede mag cut... Ayun!!!"

Tumingin ako sa kanilang tatlo! Tapos "pinaramdam" ko sa kanila na matatapos na ang piyesa. "Naramdaman naman nila Jar at David at natapos ang piyesa... POTEK! Pagtingin ko kay Gigs, nakatutok pa rin sa piyesa!!! E wala ka nang maririnig na nota sa aming tatlo! Biglang humirit pa ng ilang nota si Gigs! Ang sama ng titig ni Jar kay Gigs. E lintek! Si Gigs hihirit pa ulit ng isa pang nota! PINALO NI JAR SI GIGS GAMIT ANG KANYANG BOW!! *PAK!* WAHAHAHAHAHA! Taena! Tawa lahat! E ako pag tumawa pa naman ako, sabog na sabog talaga pag tawang tawa! Kaya pinigilan ko muna! Labas silang tatlo, humirit si Sam. Kaya ayun, tinugtugan ko munang konti si Annielle. WAHAHAHA!

Tapos siyempre, dapat cool lang sa pag exit. Smile ulit konti kay Annielle... Yihee! =)) Tapos pag sara ng pinto! TAENA! PUMUTOK NA TAWA KO! GUSTO KONG BUGBUGIN SI JAR AT GIGS!! TAWA KAMI NG TAWA SA LABAS! Tapos takbo ulit pabalik kay Paul.

--------------------

Pagbalik namin kay Paul, pawis na pawis na ako kakatawa! Tapos may sira-sirang bulaklak na ipinabibigay.... E yung lintek na bulaklak na yun, (sorry kung sino ka man) isang rose na binalot ng parang makapal na pink tissue paper tapos binalot plastic at tinalian ng ribbon. E natatanggal na yung pink na parang tissue paper, sinubukan namin ayusin. Para naman maganda diba? Wala lang, gusto lang sana namin ayusin. LUMALA! Tinanggal ko yung pagkakatali ng ribbon, binuklat ang plastic, inayos ang "tissue paper" at sinubukan ibalik. E hindi ko mabalik...

Paul: "Taena ganyan na lang. Bakit naman kasi gulo-gulo na tong bulaklak na to e. HAHAHA!"

E sobrang "high" pa nga kami sa kakatawa kaya medyo sabog na sabog na talaga. Binigay ko saglit yung plastic kay David. Tinali yung "tissue paper" sa bulaklak. Ayan! Pwede na! Tapos nung gusto ko ulit ibalik yung plastic, POTEK NI DAVID! Akala niya pinapatapon ko! Gusot-gusot na! WAHAHAHA! Tawa ulit kami ng tawa! Tapos ayan! Game na! Tugtog! Bigay yung bulaklak! Tapos agos ng agos ang pawis ko! yack! hahahaha!

--------------------

Tapos nung Saturday, may harana sa Makati. E medyo malaki bayad. Sayang din yun! Ayun pinatulan namin ni Jar. 530am nag practice kami ni Jar sa tuktok ng IvyHill. Tapos tumugtog sa Makati ng 730am. Call center pala siya.... Ang iingay! Sigaw ng sigaw! Ang masaya lang, kinakanta nila yung mga tinutugtog namin. Tapos yung mga bading! WAHAHAHAHA! May humirit pa ng "Jonas brothers!!!" Sobrang laughtrip! =)) Buti naman at natuwa sila.

Ayun... Huling harana mamayang hapon. OFW yung nagpa request kaya hindi rin namin mahindian. Aalis na kasi kaya haharanahin namin yung asawa niya. Yun lang muna sa ngayon. ^_^

 
 
neocatastrophic
19 January 2009 @ 08:37 pm
grabbed this from Kizia.

TRANSLATE YOUR NAME INTO JAPANESE!

Fill in your name with these letters to translate it into Japanese!

 A - ka
 B - tu
 C - mi
 D - te
 E - ku
 F - lu
 G - ji
 H - ri
 I - ki
 J - zu
 K - me
 L - ta
 M - rin
 N - to
 O -mo
 P - no
 Q - ke
 R - shi
 S - ari
 T -chi
 U - do
 V - ru
 W -mei
 X - na
 Y - fu
 Z - zi

<h1>Mickey: rinkimimekufu</h>
<h1>Mizel: rinkizikuta</h>

hmmm.. parang hindi ko nagustuhan yung tunog ng pangalan ko ah. WAHAHAHA!

 
 
neocatastrophic
31 December 2008 @ 01:06 am
Nagyaya si Richard na magkita-kita kami sa ATC. Dapat nung Dec. 28 kaso bawal ako nun. Buti na lang pumayag sila na sa Dec. 29 na lang.

Umalis ako ng bahay mga 12pm. Nag meet kami nila Richard at Vincent sa Mt. Mcdo. Potek! Tagal ko na hindi nakapunta ng Alabang! AHAHAHA! Tapos hinintay namin si Kevin. Nung nakarating si Kevin, kumain na agad kami sa ATC. Potek... Hindi pa rin nila nakalimutan yung "sampal"! Pag hihirit ako, mag titinginan silang tatlo tapos sabay sabay nila akong sasampalin! WAHAHAHAHA! Daming kwentuhan!

Tapos nagpalinis ng kotse si Kevin. Habang hinihintay matapos ang paglinis sa kotse ni Kevin, nagdota kami. Mga talunan! Bano niyo! Ang ganda ganda ng score ko nagpapakain lang kayo?! WHAHHAHAAHAHA! Talo tuloy kami. Tapos kinuha namin yung nalinis na kotse at nagpunta sa bahay ni Kevin.

Pagdating sa bahay ni Kevin. Iiwan lang sana yung kotse ni Richard at Vincent tapos aalis na. E uhaw na uhaw ako.

ako: "Kev painom muna tubig."
kev: "Wag na! Walang tao jan."
ako: "Sige na saglit lang..."

*binuksan ni kev yung bahay. uminom ako ng tubig*
*paglabas ko, inabangan pala ako ni gago! binaril ako ng pellet gun!!!!

rich & vince: "WAHAHAHAHHAAHAHA!"
kev: "Masakit?"
ako: "Gago ka pala e. Subukan ko sayo."

*binigay ni Kev yung baril sa akin*
*BANG!*

kev: "Hindi naman e."
ako: "Ah ganun?"

*BENG!*
*tapos kinuha ko yung shotgun*

ako: "Eto..."

Nung ikakasa ko yung shotgun, tinamaan ko yung lalagyanan ng Pellets!!! NATAPON LAHAT!! WAAAA!!! Tawa ng tawa sila Vincent at Richard. Samantalang si Kevin naman, hindi mo maipinta yung ukha pero natatawa! 2000 piraso daw yun! =)) =))

eto vids:
1 - SORRY NA!!!
2 - Wais si Kevin!
3 - Sa Hagdan
4 - Pagbukas ni Kevin ng vacuum cleaner

Kevin: "Kasalanan mo to Mizel!"
ako: "Kasalanan mo! Dapat hindi mo na lang nilabas yung laruan ni Khyle!"
Vincent: "Kasalanan ng nanay niyo! Dapat hindi na kayo pinanganak!"
Richard: "WAHAHAHAHAHAHAA!"

Tapos laro ulit kami ng Dota hanggang mag dilim. Tapos inuman sa ParaƱaque nung gabi. Tapos inuwi si Kevin.. Tapos tinuloy namin yung inuman sa tapat ng Festival Mall. Basta masaya.. Wala na ako maalala na maikukuwento. Basta panalo yung sa bahay ni Kevin. HAHAHAA!

 
 
neocatastrophic
27 December 2008 @ 05:10 am
nakuha ko sa isang kaibigan ngayon ko lang ata naisipang mag post ng ganito. hahahaha!


1 Guys may be flirting around all day but before they go to sleep, they always think about the girl they truly care about.

2 Guys go crazy over a girl's smile.

3 Guys will do anything just to get you to notice him

4 Guys hate it when you talk about your ex-boyfriend or ex love-interest.

5 Boyfriends need to be reassured often that they're still loved.

6.Don't talk about your guy friends to your boyfriend.

7 Guys get jealous easily.

8 Guys are more emotional than they'd like people to think.

9 Giving a guy a hanging message like "You know what?!..uh...nevermind.." would make him jump to a conclusion that is far from what you are thinking. And he'll assume he did something wrong and he'll obsess about it trying to figure it out.

10 Guys are good flatterers when courting but they usually stammer when they talk to a girl they really like.

11 A usual act that proves that the guy likes you is when he teases you.

12 Guys love you more than you love them if they are serious in your relationships.

13 Guys think WAY too much. One small thing a girl does, even if she doesn't notice it can make the guy think about it for hours, trying to figure out what it meant.

14 Guys seek for advice from girls not other guys. Because most guys think alike, so if one guy's confused, then we're all confused.

15 When a guy asks you to leave him alone, he's just actually saying, "Please come and listen to me."

16 If a guy starts to talk seriously, listen to him. It doesn't happen that often, so when it does,  you know something's up.

17 If your best guy friend seems to avoid you or is never around when you're with your  boyfriend, he's probably jealous and likes you.

18 When a guy tells you that you are beautiful, don't say you aren't. It makes them want to stop telling you because they don't want you to disagree with them.

19 When a guy looks at you for longer than a second, he's definitely thinking something.


20 Guys don't like girls who punch harder than they do.

21 A guy has more problems than you can see with your naked eyes.

22 Don't be a snob. Guys can be intimidated and give up easily.

23 Guys talk about girls more than girls talk about guys.

24 Guys hate rejection, but they hate being led on even more.

25--If you are going to reject a guy, just do it. Don't say they are like a brother or just good friends, it just hurts even more. Tell them that you aren't interested in a relationship and they will respect you.

26 Guys really think that girls are strange and have unpredictable decisions and are MAD confusing but somehow are drawn even more to them.

27 When a guy sacrifices his sleep and health just to be with you, he really likes you and wants to be with you as much as possible.

28 Girls, if u don't repost this within 1 hr then you will lose the guy of your life

 
 
neocatastrophic
05 December 2008 @ 01:18 pm
Habang hinihintay mag scan ang pc na puno na ng virus, gusto ko lang muna i-share yung nangyari sa araw ko nung Nov 30 - Dec 1.

Pupunta kasi ang pamilya namin sa Tagaytay kasama ang barkada. Simulan natin nung bandang 8am.

<b>SI COBY</b>

Si Coby ay naglalaro sa computer ng DotA. Naka headset pa siya para feel na feel ang paglalaro. Hahaha!

Mickey: "Tanga mali yan."
Coby: "E pu#@$&$@!@#% ka pala e!" (pabiro)
Mickey: "Pu@#$^!@ ka rin..." (pabiro at pabulong)

**mouse click.. click.. click**
**namatay si Coby**

Mickey: "Tanga putcha!"
Coby: "!@#!^%!^!!@#%!@#!!"
Mama: "Tumigil ka ha! Isa pa!" (galit)
Coby: (tuloy sa pag lalaro. hindi ata narinig si Mama)
Mickey: >:)

**mouse click.. click.. click**
**namatay si Coby**

Mickey: "Ang tanga! Mali kasi ginagawa mo!"
Coby: "E #@$&@#@#$% ka pala e! @#$^@#$%!!!"
Mickey: >:)

**bumaba si Mama at galit na galit**
**alis ako**
**sinampal bibig ni Coby**

Coby: "E BAKIT YUN HINDI MO PINAPAGALITAN!!!!" (nakaturo sa akin)
Mickey: >:) (Nakatingin sa salamin)
Mama: "blah blah blah blah blah blah!!!"

**akyat ako dahil hindi mapigilan tumawa**
**tawa kami ng tawa ni Kim sa taas**
**nakikinig kami ni Kim sa usapan este sigawan nila**

Mama: "BLAH BLAH BLAH BLAH!!"
Coby: "E BAKIT SI KUYA HINDI MO PINAPAGALITAN?!"
Mama: "IKAW ANG NARIRINIG KO! BLAH BLAH BLAH!"
Coby: "HINDI AKO MAGKAKAGANITO KUNG HINDI DAHIL SAYO!"

**gumulong ako kakatawa**

Coby: "MAGING FAIR KA NAMAN!!!"

**nakigulong si Kim WAHAHAHAHA!!**

-----------------------------------

Nung nasa kotse kami, tinatawanan lang namin yung nangyari.

Coby: "Siyempre, kailangan drama. Sa totoo natatawa na ako nun e." =))

-----------------------------------

May nakita kami ni Coby na nangungulangot...

Coby: "Pre, kumokontak o." =)) =))

-----------------------------------

SA TAGAYTAY

Kami pinaka unang dumating tapos sila Tito Ollie, tita Cathy at Kathleen. Antok na antok tapos ang lamig pa kaya natulog muna ako... Pag

gising ko, ang dami na tao1

Ang mga masasayang natatandaan ko lang sa Tagaytay.. Una nung naglaro kami ng agawan ng regalo. Bali may mga regalo sa gitna tapos

pinapalibutan namin mga bata. Mag roll ka ng dalawang dice. Add mo. Pag even number, kuha ka isang regalo. Pag pair ang lumabas, dalawang

regalo. Tapos 5 minutes lang kayo mag aagawan.
Edi agawan kaming mga bata.. Tapos naglaro yung mga nanay.... Tapos nag trip ang mga tatay.

Tito Ollie: "O katuwaan lang. 50 pesos sa gitna."

Lapag ng 50 si papa, tito Ollie, ninong Edgar, tito Abel, at tito Joven. Bali agawan sila! Nakakatawa! Yuko sila ng yuko para kunin yung 50

pesos. Nung tumagal hindi na sila makayuko! Hindi makuha yung 50 pesos! WAHAHAHAHAHA!

Ang nakakatawa nung seconds na lang! Si Tito Ollie tinapakan yung isang 50 pesos! Tapos nung kukuha na si papa ng 50 pesos, hinarangan pa!

Wala tuloy nakuha! WAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Nakakatamad na ikwento yung iba. Basta yun na yun.. Game.. trabaho na ulit ako. hahaha!

 
 
neocatastrophic
04 December 2008 @ 01:35 pm
DotA  
** hindi ako nag fi-feeling. nag se-share lang =)) **

Alam mo nakakasira ng pag aaral ang dota e. Malakas makasunog ng oras. Pero pag kasama mo si Regie, Jar, at Paul, kalimutan mo na lahat! WAHAHAHAHAHA!

Pagkatapos namin kumain sa PARES, nagyaya si Regie na mag DotA ulit kami. Sa taas ng Pares, may computer shop. Dun kami naglalaro. Pangalawang beses pa lang namin gagawin to.

Tahimik at seryoso kami ng kakampi kong si Jar sa paglalaro. Bigla na lang may pumasok na tatlong bading! Akala nila Paul at Jar babae... Naku lagot... Bawal malasing tong dalawang to. Baka kung san sila dalhin. WAHAHAHAHAHA!

Tumabi sa akin yung dalawang bading. Siyempre napatingin ako tapos nakita ko ang mga mata nila na may kulay. SHET! =))

B1: "Dito tayo."
B2: "Bakit?"
B1: *turo sa akin*
B2: *ngiti ni kamatayan*

Tapos tuloy lang ako sa paglalaro. Nang tumagal, medyo naiilang na ako. Kasi naka titig lang sa akin yung isang bading. Taena! Gusto ko sana mag bading badingan na lang kaso di ko magawa! Nag chat ako sa laro.

ako: "Taena katabi ko! Pamatay!"
Paul: "Bakit?"
ako: "Tignan mo!"
*tayo si Paul*
Paul: "O ano okay ba kayo jan?" *nakita yung katabi kong bading. natawa*

Tapos seryosong laro ulit.... Nung hindi ko napatay si Paul, napasigaw ako ng malakas na, "SHIT!!!"

B2: "Nakakagulat ka naman kuya."
ako: "Sorry..."
*tingin silang dalawa*
Paul: "Mickey! Ang puso! Ang puso!"
Regie: "Ang puuussoooo koy nag pupuuurriii...."
B2: *tingin kay Regie at Paul* "Ay parang gusto ko mag stay!"

takte! kay regie ako natawa =))

 
 
neocatastrophic
01 November 2008 @ 10:48 pm
Kahapon, ako ay natulog at kumain lang. Ewan ko ba kung bakit pagod na pagod ako. Wala naman ako masyadong ginawa nung sinamahan ko sina Cel at Tin nung friday. Hahaha! Ang saya nila kasama. Sayang lang hindi nakasama si Annielle. Umuwi kasi siya e.

Nung dumilim na, sinipag ako gumawa ng WEBDEV1. Tapos naalala ko na birthday ni Tin!!!! Mga stat message niya pamatay e. WAHAHAHAHAHA! Bali ka chat ko siya. Di ko na matandaan kung ano mga pinag usapan namin. >:) Ang alam ko kausap din ni Tin si Regie noon. Edi nagtxt ako sa ChamBoys (chamber boys! pauso amf!). HAHAHA! E online naman pala ang mga gag-ow. Tapos nag conference kami para planuhin kung ano gagawin. >:)
Ako, si Jar, Regie, at Paul ang online noon. plano...

1) Pagpatak ng 11:55, lahat mag offline!
2) Gawin na ang mensahe para kay Tin.
3) 12:00 sakto, mag Buzz ako tapos paste yung message para kay Tin.
4) Sasabihin ko sa conference, "next" tapos mag Buzz si Jar at paste message.
5) "Next" tapos mag Buzz si Regie at paste message.
6) "Next" tapos mag Buzz si Paul at paste message.
7) Pagtapos na lahat, mag online sabay sabay!

WAhahahaha! Nagawa naman namin! Medyo na high ako kasi ang hirap mag type! Dapat pala may webcam at mic na ako sa susunod para madali! =))

Ayun, natuwa naman si Tin kahit papaano. Hahaha! Sinali namin siya sa conference. XD

Natapos ko naman yung ginagawa ko. 1:30am - Pagkatapos ma upload yung website, niyayaya ako uminom ng mga barkada ko. Kaso tinatamad na ako e. WAHAHAHA!

----------------------------------------------------------------


NAPAKA GANDA NG GISING KO NGAYONG UMAGA! Mga 8:40am ako nagising! Pag lingon ko...... Grabe.. Lola ko naka burlis! WAHAHAHAHAHAHA! Tapos nung babangon na sana ako (para lang hindi makita), hinarangan ba naman ako! Ikabit ko raw yung bra niya! WAHAHAHAHAHAHAHA! Tindi mehn! Umiiwas na nga e!

Lola: "Nakabit mo na?"
Mickey: "Opo..."
Lola: "Yung dalawa?"
Mickey: "Opo..."
Lola: "Okay thank you."

WAHAHAHAHA! Magandang umaga sa inyo lahat!

 
 
neocatastrophic
18 October 2008 @ 11:53 am
Gusto ko lang ulit mag blog hahahaha!

Kakatapos lang ng ART IN ACTION! Sa wakas! Babagsak na ako sa midterms! Whahahaha! Binigay ko na lahat ng oras ko last week kaya eto ako ngayon, nag hahabol. Tignan ko lang kung makakatapos ako ngayong gabi. Mas masaya pala talaga kung kasama yung ibang groups tulad ng Innersoul, Pops, at Chorale! Hindi ko nga lang masyado nakakausap lahat pero mas masaya nga.

Hindi ako umuwi ng bahay namin mula Oct. 13 - 16! Lagi kasi 9pm ang tapos ng class ko kaya nakakatamad na umuwi. Kaya madalas sa bahay lang ako nila Jar. Isang sakayan lang ng jeep mula sa DLSU! Okay na!!! Samantalang pag uuwi ng Pasig, LRT-MRT-FX-tricycle saka pa lang ako mag hapunan. WHAHAHAHA! labo...

-------------------------------------

Nanggaling nga pala kami sa Intramuros kanina ng mga kagrupo ko na sina Ger, Jeca, Kahlil, at Kaye para mag shoot ng docu film para sa VIDPRD2. Hindi ko alam kung ano kalalabasan ng mga pinagkukuha ko kanina. Hahahaha! Masaya naman! Ang tindi ng init ng araw kaya ang tindi rin umalingasaw ng pawis namin. Tapos sumakay pa kami sa kalesa! Pangalan ng kabayo MICKEY!!! Anak ng! Sa dinami-daming pangalan, Mickey pa naisip nung may ari ng kalase na nag iingles! Hahaha! Kung daga sana yung alaga niya maiintindihan ko pa e! Tapos ayun! Nasaktan kami makita si Mickey (kabayo) na nadapa sa kalsada ng Intramuros. Ang sakit nun! 6 kami nakasakay tapos nadapa siya! Kung tao dalawa lang paa masakit na sugat pag nadapa e yung kabayo pa kaya na may 4 na paa! Wahahahaha! E ako pa naman yung nasa harapan nun! Akala ko tutumba yung buong kalesa e! Ang hindi ko lang nagustuhan kay Mickey e habang tumatakbo siya e nagawa niyang "dumumi".... Paano yun? WAHAHAHAHA! Mabaho pero para sa mga nasa likod ko, aamuyin ko na lang para hindi umabot sa kanila! YACK!!! =))

-------------------------------------

Kanina lang habang gumagawa ako ng CADVIS2, tahol ng tahol yung aso namin. May kausap siyang aso sa kabilang bahay e. Nag sasagutan sila. "Aawawwaaww!!!" tapos sa malayo, "Awwooooooooo!" Aba! Chicks kausap ng aso namin! WAHAHA! E yung mainit na ulo kong kapatid na si Coby hindi na natiis...

Coby: "Kuya patahimikin mo nga!"

(lumabas ako at nilambing si Yogi... ilang minuto bumalik sa ginagawa sa comp)
(tumahol ulit!)

Coby: "@#$%@!!!!" (lumabas at kinuha ang tsinelas at pinalo ito sa pader!)

Coby: "#$!@#% KA HA! NAKIKITA MO 'TO?! HA!" (PINALO ULIT NG MALAKAS ANG PADER!)

Coby: "Isa pa ha!"

NAKU PO!!!! BALIK NA ANG KAPATID KO!!! WAHAHAHAHAHAHA!!!

(matapos ang ilang minuto ay tumahol na naman si YOGI!!!)
(nagdabog papalabas si Coby at pinalo ng tatlong beses si YOGI!!!)

Dahil sa sobrang nakatutok ako sa ginagawa ko ay hindi ako nakielam... Napansin ko na lang na tahimik na si Yogi. Nag alala ako at lumabas ulit para tignan siya. Ayun! Nakita ko na malungkot at nakadapa na lang siya. Hinimas ko siya... (teka.. ambastos ata pakinggan) Hinaplos ko ang ulo niya at nakita na namumula at naluluha si Yogi. Umiiyak din pala ang aso? Ayun.... Hindi ko kinayanan at tumambay na lang ako sa labas. Tinabihan si Yogi at pinaparamdam ko na hindi kami galit sa kanya..... :(